Wednesday, September 24, 2008

Theater Guild Ba Kayo?



Theater Guild ba kayo?
"Theater guild ako! Theater guild ako! Ahhh!"
Ito na ang bago kong tahanan bilang isang kolehiyo. Malaki ang pagkakaiba ng pinasok kong ito sa dati kong kinagisnan at namulatan; choir. Marami ang nagsasabi bakit daw nag theater guild ako gayong mas malaki daw ang opurtunidad ko sa pagkanta. Isa lang, "Gusto kong i-explore ang sarili ko sa kinagisnan kong kahon. Ayokong manatiling choir, malay mo may talento rin pala ko sa pag-arte, hindi ba?"
Out of 576 auditionees ng theater guild in the preliminary audition almost 300 plus lang ang nakarating at nakapagpatuloy sa secondary audition kung saan tinignan ang lakas, tibay ng loob at self-confidence ng mga auditionees. Halos kumalahati ulet ang bilang ng mga nagau-audition kung kaya 60 plus na lang ang nakapag final audition. Marami na akong nakilala sa simula pa lang ng pagau-audition kung kaya masakit mang tanggappin ngunit hindi pwedeng lahat kami ay makapasa sapagkat piling-pili at salng-sala lang talaga ang dapat maging theater guild. Out of 576 auditionees only 30 standout among the rest and I am happy to be with the 30 who standout and got the place. "Sino ang mag-aakalang makakapasok ako sa dami ng nag-auditions?", sabi ko. Talagang kung gusto mong maabot ang isang bagay magpapakahirap ka para makamit to.
Hindi pa nagtatapos ang kalbaryo namin bilang bagong BATCH ng guild. Noong nagsimula na ang training, teambuilding at groupings namin, nagsimula nang maghirap.

Friday, September 19, 2008

FEU na ako...


KAYA MO PA BA?
"Ako kaya ko pa!"

Mataas ang pangarap ko bilang isang kabataan. Hinahangad kong makapasok sa UNIBERSIDAD ng PILIPINAS dahil isang malaking karangalan sa akingg pamilya kung doon ako makakapagtapos ng aking kurso. Bakit? Sabi nila, pati na rin ang mga haka ko na kapag UPinianz ka, malaki ang opurtunidad mong makapasok agad sa trabaho. Mataas ang tingin sa iyo kapag doon ka nakapagtapos. Pero ako, nalihis ako ng landas. Ilang puntos na lamang at sana pasok na ako sa UP. Siguro, pagkakataon na rin ang naglayo sa akin sa UP at dinala ako sa pinaka-ayaw kong unibersidad noong hayskul pa ako. FEU. Pwera biro, totoong kinaiinisan ko ang FEU date. Bakit? Isa lang naman, "Paanong nakapasa ang mga hindi karapatdapat pumasa sa entrance exam?" Marahil, isa na ako sa mga estudyanteng malaki ang pagtataka at gumawa ng ganitong taktika: sa entrance exam, wala pa atang sampung minuto kong sinagutan ang exam para malaman ko kung makakapasok ako ng FEU gayong puro hula lang ang mga sagot ko. Kinabukasan agad-agad kong tinignan sa internet kung nakapasa ba ako sa FEU at dale! Andoon ang pangalan ko! Magic hindi ba?

Hindi pala magic ang mga pagwawari ko sa FEU kapag nakapasok kana. Sa kurso kong kinukuha, magastos dahil ang mga professor gusto mamahalin ang mga materyales na gagamitin para daw may kalidad ang gagawin at ipapasa namin. Ang mga gamit katulad ng kamera(slr o dslr na CANON o NIKON), lapis (dapat lang na STAEDLER), illustration board (kailangan Berckley o MASTER), poster color (marapat na DONG-A) at marami pang iba. Hindi naman ako nagsisisi sa kurso kong kinuha katulad ng iba. Masaya ako dahil malaki ang pagbabago ko sa FEU. Akalain mo bang, matututo akong gumuhit at magpinta? Naisip mo bang makakapa ko ang isang pang-professional camera? Alam ko, hindi dahil mahirap. Hindi pala ganun ang college life. Wala nang isusubo sa iyo ang guro mo para matuto ka at madaya pa hangga't kaya pang madaya ang grado mo. Kung ano ang grado mo, yun na iyon! Tapos!

"Lahat ng bagay natural sa atin at hindi lahat ay kailangang ipakita sa atin dapat tuklasin natin ito. Huwag tayong magtago lang sa lungga kung na saan tayo ngayon. Hangga't kaya nating lumayo at lumabas, sige lang, huwag kang matakot magtuklas dahil binigyan ka ng Diyos ng utak at katawan para gumana at hindi lang magpahinga. Ipamahagi mo."