Wednesday, September 24, 2008

Theater Guild Ba Kayo?



Theater Guild ba kayo?
"Theater guild ako! Theater guild ako! Ahhh!"
Ito na ang bago kong tahanan bilang isang kolehiyo. Malaki ang pagkakaiba ng pinasok kong ito sa dati kong kinagisnan at namulatan; choir. Marami ang nagsasabi bakit daw nag theater guild ako gayong mas malaki daw ang opurtunidad ko sa pagkanta. Isa lang, "Gusto kong i-explore ang sarili ko sa kinagisnan kong kahon. Ayokong manatiling choir, malay mo may talento rin pala ko sa pag-arte, hindi ba?"
Out of 576 auditionees ng theater guild in the preliminary audition almost 300 plus lang ang nakarating at nakapagpatuloy sa secondary audition kung saan tinignan ang lakas, tibay ng loob at self-confidence ng mga auditionees. Halos kumalahati ulet ang bilang ng mga nagau-audition kung kaya 60 plus na lang ang nakapag final audition. Marami na akong nakilala sa simula pa lang ng pagau-audition kung kaya masakit mang tanggappin ngunit hindi pwedeng lahat kami ay makapasa sapagkat piling-pili at salng-sala lang talaga ang dapat maging theater guild. Out of 576 auditionees only 30 standout among the rest and I am happy to be with the 30 who standout and got the place. "Sino ang mag-aakalang makakapasok ako sa dami ng nag-auditions?", sabi ko. Talagang kung gusto mong maabot ang isang bagay magpapakahirap ka para makamit to.
Hindi pa nagtatapos ang kalbaryo namin bilang bagong BATCH ng guild. Noong nagsimula na ang training, teambuilding at groupings namin, nagsimula nang maghirap.

No comments: